TDC, umaasang hindi mababalewala panukalang P50,000 salary sa mga teachers

Umaasa ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na sana hindi matutulad sa mga dati pang nakabinbing panukala ang isinusulong na P50,000 salary ng mga guro.

Sa panayam ng 105.1 Brigada News FM Manila kay TDC Chairman Benjo Basas, sinabi nitong marami nang naihaing bill kaugnay sa sahod ng kanilang sektor.

Kasabay nito, iginiit ni Basas na ang sukatan ng pagiging isang mambabatas ay ang kaseryosohan nito sa pagpapasa ng batas at hindi lang sa ang basta paghahain ng bill.

Hinihiling ng TDC na hindi mauuwi sa archive ng pamahalaan ang proposal na sahod.

Sa huli, hinamon ng grupo si Pangulong Bongbong Marcos para sa agarang pagkakapasa ng mungkahing P50,000 salary ng mg teachers, dahil dati na itong nagtulak ng mga kaugnay na panukala noong siya ay mambabatas pa lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *