Team mula sa PSA magsasagawa ng step 2 PhilSys Registration sa bayan ng Basud simula ngayong araw

CAMARINES NORTE- Magsasagawa ng Philippine Identification System o PhilSys registration ang team ng Philppine Statistics Authority (PSA) sa bayan ng Basud, Camarines Norte simula ngayong araw.

Gagawin ang step 2 registration para sa National ID System sa PhilSys Operation Center, 2nd floor ng Old Municipal Building sa itaas ng Basud Municipal Library.

Ang lahat mula edad limang taong gulang pataas ay inaanyayahang samantalahin ang pagkakataong ito na makapag avail ng Phil ID.

Dati nang nag ikot ang team ng PSA katuwang ang Tanggapan ng Municipal Civil Registrar sa dalawamput siyam na barangay ng naturang bayan upang magproseso ng nasabing PhilSys ID.

Gayunman may mga ilan-ilan pa ring hindi nakapag avail ng nasabing mobile PhilSys registration activity.

Mula Enero hanggang Abril ng taong kasalukuyan nasa 877 ang nairehistro sa step 2 registration sa naturang bayan.

Sa buong lalawigan ay aabot naman sa 41, 796 ang nairehistro sa loob ng panahong nabanggit at nasa 434, 231 Cam Nortenos na ang nairehistro mula nang magsimula ang step 2 registration noong June 2021.

May pinakamalaking bahagdan ng nakakapagparehistro ang edad na 15- 59 anyos  na mayroong 55 porsiento habang 35 porsiento naman sa age group na 5- 14 yrs old at 10 porsiento sa 60 taong gulang pataas.

Sa total population na 555, 212 limang taong gulang pataas ay nasa 78 porsiento na ang total registrants habang 22 porsiento naman ang unregistered.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *