Team ni Go, namahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Consolacion, Cebu

Nagpaabot ng tulong ang opisina ni Senator Christopher “Bong” Go sa 42 pamilya o 189 residente ng Consolacion, Cebu, matapos na tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay noong April 12.

“Sa mga kababayan ko dyan sa Cebu, sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Alam namin na napakahirap ng panahon ngayon dahil sa mga nangyayari pero kapit po tayo.

Hindi kayo pababayaan ng gobyernong ito. Mahal po namin kayo ni Pangulong Duterte. Mahal namin ang mga kapwa naming Bisaya,” mensahe ni Go sa isang video call.

Kaugnay nito, sa relief activity na ginawa sa pamamagitan ng batches at sa ilalim ng mahigpit na pagsunod sa health protocols, ang bawat pamilya ay nabigyan ng financial assistance, pagkain, food packs, vitamins, masks at face shields. Nabigyan naman ang ibang benepisyaryo ng bagong sapatos, habang ang iba ay nakatanggap ng besekleta na makakatulong sa kanilang pag-commute sa gitna ng limitadong transportasyon.

Samantala, may nakatanggap naman ng computer tablets na makakatulong sa kanilang mga anak sa pag-aaral sa ilalim ng blended learning set-up.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *