Tech-voc education training, sentro ng sectoral meeting sa Palasyo

Ginanap kaninang umaga ang linggohang sectoral meeting sa Palasyo ng Malacañang, sa pangunguna ni Pangulong Bongbong Macros.

Sentro ng sectoral meeting ang patungkol sa pagpapalakas ng Senior High School sa bansa, sa pamamagitan ng technical and vocational education and training o TVET.

Present sa sectoral meeting sina Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, Executive Secretary Lucas Bersamin at Labor secretary Bienvenido Laguesma.

Gayundin din sina PCO Secretary Cheloy Garafil, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, at SAP Secretary Antonio Lagdameo.

Kasama rin sila TESDA Director General Suharto Mangudadatu at iba pang mga opisyal ng DepEd at TESDA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *