CAMARINES NORTE- Plano ngayon ng Lokal na Pamahalaan na palawakin ang Technical Vocational Skills Training Program sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.
Kasunod yan ng pormal na paglulunsad ng Education Manpower Development Technical Vocational Skills Training Program sa naturang bayan kung saan dalawang course ang binuksan.
Ito ay ang Bread and Pastry Production na tatlumpung araw ang pagsasanay at Basic Driving with Trouble Shooting na mayroon namang labinglimang araw.
Pero ayon kay Councilor Colen Ibasco, Chairman ng Sangguniang Bayan Committee on Education pinaplano ngayon ng LGU na mag offer ng iba pang technical courses.
Sa ngayon ay marami na umano ang nag enroll sa Bread and Pastry Production at sa Basic driving with trouble shooting.
Hinihikayat din ang mga Person with Disability na mag enroll sa programa.
Iniisip naman ng LGU na magsagawa ng isa pang round ng training bago matapos ang taon para ma- accommodate ang iba pang nagnanais na kumuha ng naturang mga kurso.
Ang maganda umano dito lalo na sa Basic Driving and Trouble Shooting ay isinama na ng TESDA ang theoretical driving course na kailangan naman ngayon sa pagkuha ng lisensiya.
Paalala naman ni Ibasco sa mga nakapag- enroll at nabigyan ng slot na bigyan ng panahon ang pag- aaral at tapusin ang kurso dahil sayang ang oportunidad.
Kapag natapos kasi at nakapasa sa assessment ay tatanggap ng NCII certificate ang magtatapos.
Bukod dito libre din ang pag- aaral at kagamitan kaya wala nang ibang iintindihin kundi ang mag- aral.
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…
Sa gitna ng pag-usad ng PUV Modernization Program, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory…
Positibo si Pangulong Bongbong Marcos na mararatipikahan ngayong taon ang Free Trade Agreement o FTA…
Naniniwala si House Deputy Minority Leader, ACT-Teachers party-list Rep. France Castro, na dapat nang ma-certify…
Tumangging magbigay ng komento si Senador Francis Tolentino sa naging pahayag ni dating senador Sonny…