Technical Working Group binuo sa pagpili ng women achievers sa Naga City kaugnay sa women’s month celebration

NAGA CITY – Nakatakdang parangalan ng LGU-Naga ang mga kababaihang may magandang naibahagi sa komunidad, sa kanyang caeer, sa kanyang pamilya o kaya bilang public servant ngayong isinasagawa ang pag-obserba sa Women’s Month Celebration, na mangyayari sa ika-22 nitong Marso ,sa culminating activity.

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni City Councilor Gilda Gayle Abonal-Gomez na Committee Chairman ng Women and Gender Development, na ayon sa kanya may binuo na silang technical working group na siyang tatanggap ng nominasyon.

Sinabi ng konsehal, ang bawat sector ay magno-nomina ng kanilang kasamahan na sa akala nila ay dapat mapabilang sa mga achievers na bibigyan ng pagkilala.

Sa ngayon tuloy ang ginagawang mga aktibidad para sa mga kababaihan tulad ng pa-zumba at iba pang mga programa na angkop sa kanila bilang mga babae.       

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *