Editors Pick

TESDA, nakakuha ng mataas na approval at trust rating mula sa ibang mga ahensya ng gobyerno

Nakatanggap ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng pinakamataas na approval at trust ratings sa mga ahensya ng gobyerno, batay sa resulta ng survey na PAHAYAG 2022 End of the Year (P-EOY 2022) ng PUBLiCUS Asia.

Ayon sa TESDA, nakakuha ang ahensya ng 72 percent, na mataas kumpara sa naunang 68 percent rating sa third quarter survey.

Sa first quarter survey, nakakuha ang TESDA ng 65.8 percent approval rating at 49.9 percent trust rating, habang sa second quarter survey, ay nakakuha ito ng approval rating na 72 percent at trust rating na 60 percent.

Sinundan naman ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa 68 percent at ng Department of Education (DepEd), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Tourism (DOT) na may tig 65 percent bawat isa.

Kaugany nito, ang TESDA rin ang most trusted government agency na may 60 percent rating, mataas sa kanilang third-quarter rating na 56 percent, sinundan ng DepEd at AFP na may parehong 57 percent trust ratings.

Bagama’t consistent ang TESDA sa mga top government agencies sa PUBLiCUS Asia surveys, ito naman ang unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon na nag-excel ang ahensya sa parehong trust at approval ratings.

BNFM Makati

Recent Posts

Grupo ng mga tattoo artists – wi-nelcome ang pag-suspend sa ‘no-tattoo policy’ sa PNP

Binigyang-diin ni Philippine Tattoo Artist Guild (PhilTAG) President Philip D. Peña na kultura na sa…

31 mins ago

DepEd – nagpaalala laban sa pekeng pa-ayuda online

Muli na namang kumalat sa social media ang pekeng pa-ayuda ng Department of Education (DepEd).…

49 mins ago

Pagkakabilang ni PBBM sa ‘di umano’y ‘PDEA list’ – tinawanan lang ng presidente

Tumawa lang si Pangulong Bongbong Marcos nang matanong ng media patungkol sa issue ng pagkakasangkot…

51 mins ago

DFA: hindi totoong nagpapagamit ang PH sa ibang mga bansa sa isyu sa WPS

Hindi nagpapagamit ang Pilipinas sa ibang mga bansa sa isyu sa West Philippine Sea. Ito…

54 mins ago

Senador: imbestigahan na ang mga dayuhang nasa ‘gated villages’ sa Paranaque

Naniniwala si Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na karapat-dapat lang…

54 mins ago

Pagdaan ng Chinese vessels sa Tawi-tawi, tinawag na ‘innocent passage’ ng WESTMINCOM

Itinuturing na 'innocent passage' ng AFP Western Mindanao Command ang Pagdaan ng 4 na Chinese…

54 mins ago