Local News

TESDA Region 2, nag-deploy ng team para tumulong sa rehabilitation efforts sa region vi na sinalanta ng bagyong odette

Nasa 11 trainers ang ipinadala ng TESDA Cagayan Valley ngayong araw, January 5, 2022 upang tumulong sa restoration at rehabilitation efforts sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette sa Region VI.

Ito umano ay bahagi ng TESDAmayan na inisyatibo ng ahensya at implementasyon ng Regional Buddy System kung saan inatasang magbigay ng assistance ang team sa naturang rehiyon na isa sa labis na hinagupit ng nagdaang bagyo.

Ito rin ay sa ilalim ng Community Assistance for the Rehabilitation and Empowerment o TESDA Region II CAREs program kung saan partikular na tutunguhin ng mga trainers ang Negros Occidental para sa pagsasagawa ng rehabilitasyon sa mga nasira ng Odette.

Ayon sa TESDA Region 2, ang team ay pinapangunahan nina Isabela School of Arts and Trades (ISAT) at Southern Isabela College of Arts and Trades (SICAT) Vocational School Superintendents Edwin Madarang at Danilo Pacis.

Kasama rin ng mga ito ang siyam na trainer ng carpentry, electrical installation, masonry, photovoltaic installation at welding na mula sa iba’t-ibang TESDA administered school sa rehiyon.

photo/TESDA RO2

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

9 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

9 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

9 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

10 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

10 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

10 hours ago