Test run ng LRT-1 Cavite Extension Phase 1 – naging matagumpay

Malugod na inanunsyo ng Light Rail Transit Line-1 (LRT-1) na naging matagumpay ang kanilang train test run sa Cavite Extension Phase 1.

Ayon sa awtoridad, layunin ng nasabing test run na matignan ang compatibility check at masuri ang interface sa pagitan ng mga importanteng bahagi ng imprastruktura.

Dagdag pa ng Light Rail Manila Corporation, isinagawa nila ang test run habang ang Cavite Extension Phase 1 ay nasa 95 percent progress rate.

Samantala, kumpyansa si LRMC President Juan Alfonso na malaki ang maitutulong na pagsisimula ng operasyon nito sa pagbibigas ng mas “efficient” at “reliable” na transportasyon sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *