Thai lawyer, hinatulang guilty sa libel kaugnay sa monarkiya ng Thailand

Sinentensiyahan ng anim na taong pagkakakulong ang isang Thai lawyer dahil ininsulto nito ang Thailand monarchy sa kanyang social media posts.

Hinatulan ng Criminal Court ng Thailand si Rukchanok Srinok o kilala bilang sa tawag na ‘Ice’, – 29 anyos na guilty sa paglabag ng Computer Crimes Act.

Sa isang post, kinutya ng abogado ang pamamahagi ng COVID-19 vaccine na may kaugnayan sa hari.

Bukod dito, ni-retweet din niya ang 2020 protest na may mensaheng pumapanig sa anti-monarchy.

Nabatid na ang Thailand ang isa sa pinakamahigpit na bansang nagbabawal na punahin ang monarkiya dahil maaaring humantong ito sa 15 taong pagkakakulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *