The Beatles, nakapaglabas ng bagong kanta matapos ang anim na dekada

Matapos ang 60 taon, nakapag-release ng bagong kanta ang bandang “The Beatles” na pinamagatagang ‘Now and Then.’

Isinulat ito ni John Lennon noong 1978 at kinumpleto ni Paul McCartney noong nakaraang taon lamang.

Nagdagdag rin sila ng bagong guitar part na wala sa lumang recording, sa tulong ni Giles Martin, anak ng yumaong producer na si George Martine.

Ayon kay McCartney, nailagay ang boses ng mga yumaong myembro na sina Lennon at George Harrison sa pamamagitan ng pag-complie ng mga lumang studio recordings at tulong ng artificial intelligence.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *