Tigil-pasada ikakasa muli sa Disyembre 18-29

Nanindigan ang grupong PISTON na hindi sila pe-preno sa tigil-pasada at sasamahan pa ito ng grupong MANIBELA.

Kaya asahan natatamaan  ang Pasko ng susunod nilang strike na magsisimula sa Lunes at tatagal ng dalawang linggo.

Ayon kay MANIBELA Mar Valbuena, simula pa lang ito ng tigil-pasada protest nila.

Wala kasing nangyari sa usapan ng PISTON at Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa isyu ng December 31 deadline sa paghain ng consolidation o pagbuo ng Kooperatiba.

Paniwala ni PISTON Mody Floranda na Phase out na ang kasunod ng December 31 deadline.

Hindi naman nag-aalala ang LTFRB kahit magtuloy-tuloy ang tigil-pasada na sasabay sa Christmas rush at tatama pa sa mismong Pasko.

Sinabi pa ng LTFRB na maliliit na ruta lang naman ang natamaan ng tigil-pasada na pwede namang punan ng tricycle, bus, at modern jeepney na bibigyan nila ng special permit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *