Tila pagiging ‘zombie’ epekto ng iligal na drogang kumakalat ngayon sa Congo

D.R Congo—Sa gitna ng nagpapatuloy na laban ng buong mundo sa COVID-19 pandemic, isang bagong tuklas na iligal na droga ang nilalabanan ngayon ng pamahalaan ng Democratic Republic of Congo.

Ayon sa ulat ng local media, isang droga na kung tawagin ay “bombe” ang mabilis na kumakalat ngayon sa lungsod ng Kinshasa – ang city capital ng nasabing bansa.

Kakaiba umano ang epekto ng nasabing droga sa mga taong gumagamit nito dahil sa pagbabago ng kilos na parang katulad ng sa isang ‘zombie’.

Nagiging mabagal at paulit-ulit ang kanilang pagkilos , nagsasalita nang hindi maunawaan at natutulog nang nakatayo.

Ayon sa pag-aaral, ang “Bombe” drugs ay gawa sa  dinurog na catalytic converters o exhaust filter ng sasakyan na nagtataglay ng iba’t-ibang mga metal.

Ayon sa mga eksperto, matindi ang epekto sa kalusugan ng ‘bombe drugs’ dahil pwede itong maging sanhi ng pagkakaroon ng cancer at iba pang mga seryosong karamdaman.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagsugpo ng mga otoridad ng Congo sa mga users at pusher ng  nasabing droga at ayon sa mga ito, malayo pa ang kanilang lalakbayin bago tuluyang masugpo ang iligal na bombe drugs.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *