Tim Cone, mananatiling coach ng Gilas para sa FIBA

It’s official! Si Tim Cone pa rin ang hahawak sa Gilas Pilipinas national team, matapos kumpirmahin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Pamumunuan ni Cone ang men’s basketball team simula sa FIBA ​​Asia Cup Qualifiers sa Pebrero at sa FIBA ​​Olympic Qualifying Tournament.

Saad ni SBP President Al Panlilio, naging makasaysayang ang pagiging coach ni Tim Cone, kaya nasasabik silang makita ulit kung ano pa ang kanyang magagawa sa iba pang tournament.

Maalalang si Cone ang naging Coach ng Gilas nang makuha nila ang ginto sa Asian Games noong Oktubre.

Bahagi ng core team ni Cone sina Scottie Thompson, Chris Newsome, Calvin Oftana, CJ Perez, Jamie Malonzo, June Mar Fajardo, Dwight Ramos, AJ Edu, Carl Tamayo, Kai Sotto, at Kevin Quiambao.

photo from Samahang Basketbol ng Pilipinas – SBP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *