Tim Cone, napansing nangalawang si Justin Brownlee sa FIBA

Hindi nagmamadali ang Gilas Pilipinas at ang head coach nitong si Tim Cone na makitang maibalik ni Justin Brownlee ang kanyang “lethal form.”

Ito’y matapos niyang mapansin na nahirapan si Brownlee sa unang laro ng Gilas sa FIBA Asia Cup Qualifiers. 

Ayon kay Cone, agad na mapapansin na apat na buwang siyang hindi nakalaro, ngunit agad rin naman itong nabawi ng manlalaro.

Tinapos ni Brownlee ang laro bilang top scorer na may 16 puntos, pitong rebounds, pitong assist at tatlong steals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *