Tinatamaan ng ubo, sipon sa Naga City, wala nang pinipiling edad; pagsusuot ng facemask highly recommended

NAGA CITY – Highly recommended na ng Lokal na Pamahalaan ng Naga, ang pagsusuot ng facemask ngayong patuloy ang pagkakasakit ng tao, halos 50% na rin ng tao may ubo na, at sipon ngayon.

Ito ang napag-alaman kay Reynor Rodriguez, Vaccination Coordinator sa lungsod.

Kung saan wala nang pinipiling edad ang nagkakaroon ng flu, ubo, sipon, o lagnat  ngayon sa lungsod dahil na rin sa cold season na dati nang inaasahan, halos magkapareho na kasing nagkakasakit bata man o matanda.

Kaya aniya sa pagmamagitan man lamang ng rekomendasyon at panghihikayat sa publiko na mag-suot ng facemask o kaya kung uubo gumamit ng panyo upang maiwasan pa rin, ang pagkalat pa ng virus o bakterya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *