Tinatayang P1.2M na halaga ng Ukay-Ukay na kinumpiska ng CIDG, nabulok lang sa opisina

Labis ang pagkadismaya at panghihinayang ni Gina Rapsing- Olken , isang negosyante sa mula sa Barangay San Jose, Puerto Princesa City.

Ito ay matapos tumambad sa kanya ang sira-sirang mga ukay -ukay o segunda- manong damit sa tanggapan ng Criminal Investigation & Detection Group  kahapon.

Ang mga bundle na tinatayang mahigit isang milyong piso ang halaga ay kinumpiska ng CIDG kay Gina  sa Jose  Zyle Jin Apparel Trading noong Agosto 2021 sa Purok Mapagmahal sa Barangay San bago.

Ang mga ito ay agad na dinala sa opisina dahil umano sa paglabag sa Republic Act No. 4653  ( An Act to Safeguard the Health of the People and Maintain the Dignity of the Nation by Declaring it a National Policy to Prohibit the Commercial Importation of Textile Articles Commonly Known as Used Clothing and Rags.)

Ayon kay Gina, hindi iyong ang inaasahan niyang makikita matapos ipag-utos ng korte na maaari niya nang makuha ang mga damit.

Para kay Gina, mas mabuti sana kung pinamigay na lang sa mga nangangailangan ang kanyang bundle pero iginiit nitong hindi nagmalasakit sa gamit ang dating hepe ng CIDG Palawan na si PMaj. Richard John Macachor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *