NAGA CITY – Hinabol ng saksak nang bagong gising na tindero ang kapwa nito tindero sa lungsod ng Naga matapos na maalimpungatan dahil sa ingay umano nito.
Ayon sa ulat ng Naga City Police Office nangyari ang insidente umaga nitong Lunes Mayo 8, 2023 sa Brgy. Igualdad kung saan habang mahimbing na natutulog sa kariton ang suspek na si Wilmer Corpuz 41-anyos ng Brgy. San Felipe ay naalimpungatan umano ito dahil sa ingay ng biktimang si Joseph Asignado, 58-anyos ng Brgy. Sabang, daan upang magdilim ang paningin ng suspek at habulin nito ng patalim ang biktima. Nasa 11 pulgada ang haba ng kutsilyo ng suspek.
Maswerte naman na walang natamong anuman na sugat ang biktima na kaagad nakahingi ng tulong sa mga pulis na malapit sa lugar.
Mahaharap ngayon sa reklamong Attempted Homicide ang nahuling suspek.
NAGA CITY – Nakabantay ngayon ang City Social Welfare and Development Office sa alinmang pamilya…
NAGA CITY - Mandato bilang Local Economic Enterprise at dumaan sa assessment ang panibagong terminal…
Pansamantala nang nakalaya mula sa pagkakakulong ang anim na aktibistang inaresto ng pulisya sa kasagsagan…
GIAWHAG sa usa ka konsehal ang Legal Office sa GenSan nga hatagan og legal nga…
LEGAZPI CITY – Arestado an 30 anyos na lalaki na kairibahan sa listahan kan drug…
Pinaalalahan ni Senate President Migz Zubiri ang kanyang mga kasamahan sa Senado na iwasang gamitin…