Tindero hinabol ng saksak ang kapwa nito tindero sa Naga City, matapos na mabulabog umano sa ingay

NAGA CITY – Hinabol ng saksak nang bagong gising na tindero ang kapwa nito tindero sa lungsod ng Naga matapos na maalimpungatan dahil sa ingay umano nito.

Ayon sa ulat ng Naga City Police Office   nangyari ang insidente umaga nitong  Lunes Mayo 8, 2023 sa Brgy. Igualdad kung saan habang mahimbing na natutulog sa kariton ang suspek na si Wilmer Corpuz 41-anyos ng Brgy. San Felipe ay naalimpungatan umano ito dahil sa ingay ng biktimang si Joseph Asignado, 58-anyos ng Brgy. Sabang, daan upang magdilim ang paningin ng suspek at habulin nito ng patalim ang biktima. Nasa 11 pulgada ang haba ng kutsilyo ng suspek.

Maswerte naman na walang natamong anuman na sugat ang biktima na kaagad nakahingi ng tulong sa mga pulis na malapit sa lugar.

Mahaharap ngayon sa reklamong Attempted Homicide ang nahuling suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *