Local News

Tindero huli matapos makumpiskahan ng nasa 4k halaga ng iligal na droga

CAMARINES NORTE- Isang tindero na hinihinalang tulak ng iligal na droga ang nadakip ng mga kapulisan sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib pwersa ng mga otoridad nitong Mayo 27, 2021 dakong alas 4:30 ng umaga sa Purok 3, Barangay Gumamela, Labo, Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilalang si ARIEL ABLES y Loveranes, 38 anyos at residente ng Purok 3, Barangay Gumamela, Labo, Camarines Norte.

Ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng nabanggit na suspek kung saan nakumspika dito ang isang (1) pirasong Limang Daang Piso ( ₱500), isang (1) piraso ng maliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at tatlong  (3) piraso ng pakete na may katamtamang laki at naglalaman ng hinihinalang shabu.

Ang mga nasamsam na iligal na droga ay tinatayang nagkakahalaga ng apat na Libong Piso (₱ 4,000).

Samantala, inihahanda na ng mga operatiba ng Labo MPS ang mga kaukulang dokumento at ebidensya para sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago