Tindero ng plastik na bote, nakuhanan ng P136K na shabu

Hawak na ng Pulisya ang isang plastic bottle vendor makaraang makuhanan ito ng tinatayang 20 gramo ng shabu sa loob ng kanyang bahay sa bayan ng Uson, Masbate.

Kinilala ng Uson MPS ang suspek na si Chandie Gemina Trangi, 39-anyos at naninirahan sa Purok 1 Brgy Armenia ng nasabing bayan.

Sa ulat, nagsagawa ng search warrant ang mga tauhan ng Uson Police katuwang ang PDEU at PIU ng Masbate PPO, 502nd MC ng RMFB5 at 2nd PMFC.

Narekober sa loob ng bahay ng suspek ang droga na nagkakahalaga ng P136K.

Ang search warrant ay ipinalabas ng opisina ng Executive Judge ng 5th Judicial Region, Masbate City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *