Tirso Cruz III, nag-resign sa pagiging FDCP Chair

Nagbitiw na sa kanyang puwesto si Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman Tirso Cruz III.

Kinumpirma ito ng technical consultant ng FDCP na si Jose Javier Reyes, na nagsabing nagbitiw si Cruz dahil sa personal na dahilan.

Ayon kay Reyes, pawang haka-haka lamang ang mga lumalabas na spekulasyon tungkol sa pamumuno niya sa chairmanship ng FDCP.

Samantala, itinalaga si Rica Arevalo bilang officer-in-charge habang hinihintay ng ahensya ang appointment ng bagong chair mula sa Malacañang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *