T’nalak festival 2022, pinaghahandaan na

KORONADAL CITY- NAGHAHANDA na ang provincial government ng South Cotabato para sa pagdiriwang ng T’nalak Festival sa buwan ng Hulyo.

Inihayag ni provincial administrator Atty. Renette Bergado na ngayong linggo, magpupulong ang mga ito upang pag-usapan at ilatag ang mga aktibidad na isasagawa sa weeklong celebration ng T’nalak.

Pagsisikapan umano ng mga ito na mapaghandaan sa loob ng dalawang buwan ang ika-56th Foundation Anniversary at ika-23 T’nalak Festival ng lalawigan.

Matatandaan na dalawang taon na naging simple lamang ang selebrasyon ng T’nalak festival sa South Cotabato dahil sa COVID 19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *