T’nalak Festival 2024, pinaghahandaan na

KORONADAL CITY – PINAGHAHANDAAN na ng provincial government ng South Cotabato ang 58th Foundation Anniversary at ika-25 na T’nalak Festival sa buwan ng Hulyo.

Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo Jr na nagsasagawa na ng meetings ang iba’t ibang mga komite upang mailatag ang mga aktibidad sa kapistahan.

Ngunit ayon sa gobernador na limitado lamang ang budget para sa T’nalak Festival dahil mas kailangan aniyang bigyan ng prayoridad at malaking pondo ang mga long term programs katulad ng free hospitalization, free education, free dialysis, at infrastructure development.

Sa kabila nito, pinasiguro ni Tamayo nga mag-eenjoy pa rin ang mga mamamayan sa darating na festival. Ilan sa mga aktibidad sa T’nalak Festival ang food strip, street dancing competition, Mutya ng South Cotabato at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *