Tokyo entry ni Didal, kumpirmado na

Opisyal nang nakakuha ng pwesto ang skateboarder na si Margie Didal sa Tokyo Olympics na gaganapin sa July.

Bahagi si Didal sa 20 pangalan na inilabas ng World Skates, na nagsisilbi bilang governing body ng nasabing sport.

Kaugnay nito ay bigo naman si Jericho Francisco Jr., na kinatawan ng bansa sa men’s park na makapasok sa listahan.

Samantala, bigo rin ang Pilipinas na makakuha ng extra slot sa judo matapos ang maagang pag-exit ni Kiyomi Watanabe mula sa women’s – 63kg class sa katatapos lamang na world Championships sa Budapest, Hungary.

Mababatid na natalo ang 24-anyos na Filipino Japanese sa Brazilian na si Alexia Castilhos sa second round.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *