Tom Rodriguez, tinugunan ang mga bashers sa kanyang song cover

Matapos mabatikos sa kanyang song cover na Versace on the Floor, tinugunan ng aktor na si Tom Rodriguez ang mga natanggap nitong negationg komento sa isang nakakatawang paraan.

Imbis kasi na mapikon, naki-ride siya sa mga nang ba-bash sa kanya sa TikTok na nagsasabing kaboses niya ang cartoon character na si Mickey Mouse habang kumakanta.

Gumawa si Tom ng isang sarcastic reaction video sa kanyang sarili at sinabi ang mga hinain ng netizens tulad ng… “Hala, paano mag-delete? Paano i-only me ang post?”

Sabi pa ng mga ibang netizens na sana’y sa susunod naman nitong video ay i-cover naman niya ang kanyang mouth, na kanyang ginawa naman sa isa pang separate video.

Nabatid na dalawang taong nagpahinga si Rodriguez sa showbiz matapos ang paghihiwalay nila ng aktres na si Carla Abellana.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *