Toni Gonzaga, kinumpirma ang 2nd pregnancy

Matapos ang ilang buwang tsismis, kinumpirma ng actress-host na si Toni Gonzaga ang kanyang 2nd pregnancy sa pamamagitan ng isang video ng baby shower na inorganisa ng kanyang malalapit na kaibigan.

Sa Instagram, binigyang-sulyap ni Gonzaga ang kanyang mga followers kung ano ang nangyari sa pagtitipon, na umano’y inayos nina Mariel Padilla, Camille Villar, at kapatid niyang si Alex Gonzaga, at iba pa.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Gonzaga sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Kasama sa clip ang isang sulyap kay Gonzaga na hawak niya ang kanyang baby bump.

Si Gonzaga at filmmaker na si Paul Soriano ay ikinasal noong 2015, at may anim na taong gulang na anak na si Seve.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *