Categories: LuzonMakatiNational

Top 10 cadets ng PNPA pormal nang ipinakilala sa publiko, tubong GenSan nanguna sa HINIRANG CLASS of 2021

Pormal nang ipinakilala sa publiko ni Philippine National Police Academy Director, Police Major General Rhoderick Armamento kay PNP chief Gen. Debold Sinas at sa publiko ang Top 10 mula sa mga Graduating Cadets ng HINIRANG CLASS of 2021.

Kinilala bilang top 1 mula sa 254 graduating cadets ang tubong General Santos City na si Cadet 1st Class John Espalgar Etucas.

Si Etucas ay nakatakdang makatanggap ng Presidential Kampilan Award at Chief Bureau of Fire Protection Kampilan award.

Pumapangalawa naman si Cadet 1st Class Carl Jobell Perez Lofranco of Inabanga, Bohol na makakatanggap ng Vice Presidential Kampilan at Chief PNP Kampilan Award.

Kabilang sa bumubuo sa top 10 ng PNPA ay sina (3)Cadet 1st Class Joel James dela Cruz De Guzman ng Malubibit, Norte Flora Apayao, (4)Cadet 1st Class Van Alegasin Encabo ng Davao, (5) Cadet 1st Class John Kenneth Tipanoy Florentino ng Iligan City, (6) Cadet 1st Class Jay Neri Sergio Osmena Cornelio ng Zamboanga del Norte, (7) Cadet 1st Class Gerald Arquillano Lopez ng Samal Island, Davao del Norte, ( Cadet 1st Class Ian Payaoan Limbawan ng Baguio, (9)Cadet 1st Class Chervil Lerios Calabagan Ferenal ng Lanao Del Sur at panghuli ay si Cadet 1st Class, Michael Allen Pabustan Lenon ng Capas, Tarlac.

Samantala mula sa 254 graduating cadets, 214 ang sasali sa PNP, 20 ang piniling magserbisyo sa BFP habang 20 naman ang sasali sa BJMP.

Pinili naman ni Etucas ang BFP para pagserbisyohan.

Dahil sa pandemic gaganapin ang 47th commencement exercises ng PNPA bukas April 21, 2021 sa pamamagitan ng Zoom.

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

10 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

10 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

10 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

10 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

10 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

10 hours ago