Top 3 candidates ng MUPH National Costume Competetion tumanggap ng tig – 100k

Tumanggap ng tig-100 thousand pesos ang tatlong kandidatang nanguna sa ginanap na National Costume Competition ng Miss Universe Philippines 2024 sa Sultan Kudarat Sports Complex noong Abril 28, 2024.

Kabilang sa tatlong araw na pag bisita ng MUPH 2024 candidates sa sultan Kudarat ay ang National Costume Competition.

Ito ay dinaluhan ng mga taga suporta at tagahanga ng kanya-kanyang kandidata.

Nangibabaw ang mga desinyong sout nina Alexie Brooks ng Iloilo City, Tamara Ocier ng Tacloban at Jet Hammond ng Southern California.

Kasabay ng pag anonsyu ng tatlong nanguna sa patimpalak ay ang pag anunsyo rin ng premyong matatanggap ng bawat isa sa kanila na nagkakahalaga ng 100,000 pesos mula sa Gobernador ng Sultan Kudarat na si Datu Pax Ali S. Mangudadatu at Congresswoman ng unang distrito ng Sultan Kudarat, Bai Rihan Sakaluran.

Photo courtesy to: Miss Universe Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *