Top 5 most wanted sa region 2 sa kasong murder, arestado

Kulong ang bagsak ng tinaguriang Top 5 most wanted sa region 2 matapos ang matagumpay na operasyon ng mga awtoridad ngayong araw, January 2, sa Cataggaman Pardo, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ito na si alyas โ€œFredoโ€, na residente ng Centro 10, Tuguegarao City.

Nahaharap ngayon sa kasong muder ang lalaki kung saan wala itong inirerekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya.

Nasa pangangalaga na ngayon ng Tuguegarao Component City Police Station si Fredo para sa dokumentasyon bago ito i-turnover sa korteng pinanggalingan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *