Top Endorser of the Year ng Brigada, nabiyayaan ng isang brand new SUV!

Pinarangalan ng isang brand new car ang Top Endorser of the Year ng Brigada Group of Companies si Vice Mayor Erlinda “Bing” Pabi-Araquil, news anchor ng Brigada News FM Koronadal.

Kasama sa pamamahagi sina Chairman at CEO Elmer V. Catulpos, Vice Chairperson Yelcy Y. Catulpos, BPI President Ymeir Shann Catulpos, Brigada Distributions Inc. General Manager Jean Lee at Power Cells Brand Manager Jumel De Leon.

Ibinigay ang car incentive ng Brigada Distributions Incorporated para sa kanyang natatanging kontribusyon sa sales noong 2022.

Naging tradisyon na ang pamamahagi ng insentibo sa Brigada, na nagpapakita ng pangako nito sa pagkilala at pagbibigay-kasiyahan sa mga nangungunang empleyado at mga natatanging endorser ng magkakaibang hanay ng mga produkto ng kumpanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *