Total replacement sa electrical wiring ng PGH – inrekomenda ng BFP

Sinisilip ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang posibilidad ng problema sa linya ng mga kuryente ng Philippine General Hospital (PGH) na nagresulta sa sunog nitong March 13.

Sa pag-inspeksyon sa PGH ni DILG Secretary Benhur Abalos, sinabi nitong matagal na raw naitatag ang gusali kaya’t posibleng nagkaroon ng problema sa linya ng mga kuryente.

Inirekomenda naman ng BFP-NCR ang total replacement o kabuoang pagpalit sa mga electrical wiring sa mga gusali ng PGH.

Ayon sa BFP, hindi na uubra ang basta lamang pag-re-repair ng mga pasilidad dahil higit isang daang taon na mula nang itinayo ang naturang pagamutan.

Samantala, balik-normal na ang operasyon sa mga emergency room sa PGH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *