Tourism enterprises sa Sorsogon, tuloy sa pagpapa-accredit sa DOT

Tuloy-tuloy ang mga tourism enterprises sa Lalawigan ng Sorsogon sa kanilang pagpapa-accredit sa Department of Tourism (DOT).

Ayon sa opisina ng Sorsogon Provincial Tourism Culture and the Arts, maraming mga pangunahing negosyo sa lalawigan ang nag-aaplay para maging certified ng DOT bilang mga tourism enterprises ng lalawigan.

Nagpapatunay lamang umano na ang mga serbisyo ng nasabing mga tourism enterprises ay pasok sa International Standards ng ahensya.

Kabilang sa mga primary tourism enterprises ng lalawigan ay ang mga resorts, hotels, tourist guides at iba pang negosyo na direktang nagbibigay serbisyo sa mga turista habang ang mga spa, salon, restaurants at mga pasalubong centers naman ang kabilang sa secondary tourism enterprises.

Mababatid na ilan sa mga benepisyo at incentives na maaaring makuha ng mga negosyo na acrredited ng DOT ay ang technical, security at facilitation support.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *