Tourist Guide , inireklamo ng pang-aabuso ng kaniyang anak sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Kalaboso ang isang tourist guide sa reklamong pang-aabuso sa sariling anak at nakuhanan pa ng baril sa Caramoan, Camarines Sur.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCAPT. Niel Brijuega , hepe ng Caramoan PNP, nagsumbong sa mga otoridad ang ina ng biktima , sa pagresponde ng PNP naawa sila sa lagay ng dalagita nang makita. Napag-alaman sa biktima na may baril ang kaniyang ama, nakuha naman ng PNP ang armas na may bala.

Ayon pa kay Brijuega una nang ginawa ng pang-aabuso noong nasa elementarya pa lamang ang dalagita. Ang reklamo ay itinanggi ng suspek.

Sa ngayon mahaharap ito sa  kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”. Habang sasailalim rin sa medical examination ang biktima.

Tuloy-tuloy ang kampanya ng PNP upang maiwasan ang pang-aabuso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *