Local News

Tourist Police sa Puerto Princesa, pinuri dahil sa ipinamalas na serbisyo

Umani ng pasasalamat at papuri online ang isang Tourist Police sa Puerto Princesa International Airport dahil sa ipinamalas nitong serbisyo sa mga turista.

Sa post ng isang “Fhonz Sy”, patungo na silang Airport galing Elnido nang tumigil sila sa isang cerenderia at sa pagkakataong iyon ay na “food poison” umano ang kanyang dalawang pinsan. 

Mabuti na lamang umano ay nakasalamuha nila si PCMS Edilberto B. Tan na sinamahan sila sa loob ng airport habang patuloy na nagsusuka ang kanyang pinsan dahilan para hindi sila payagan maka-biyahe at kalauna’y nakapag nakapag-rebooked sila ng ticket.

Sa kanyang post, dinala sila ni Tan kasama ang kanyang pinsan sa hospital gamit ang sarili nitong sasakyan bago sila binigyan ng pagkain at mga damit.

Kinailangan umanong i-admit ang kanyang pinsan para makakuha ng medical certificate upang makalipad pabalik ng Manila.

Sa ngayon, nasa maayos na kalagayan na umano ang kanyang pinsan at walang humpay ang kanyang pasasalamat kay Tan sa serbisyo at tulong sa kanila.

BNFM Palawan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

12 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

12 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

12 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

12 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

12 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

13 hours ago