Trabaho sa mga gov’t offices sa So.Cot, suspendido sa September 27

KORONADAL CITY – SUSPENDIDO ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa lalawigan ng South Cotabato sa Setyembre 27, 2023.
Ito ay batay sa memorandum ni ipinalabas ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr sa lahat ng mga government offices sa probinsya bilang regional center ng Soccsksargen.
Ang work suspension ay may kaugnayan sa observance ng Maulidin Nabi o birthday ni Prophet Muhammad na kinikilala bilang Muslim Holiday.
Layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na gustong ipagdiwang ang naturang okasyon.
Samantala, magpapatuloy naman ang operasyon ng mga government offices na nangunguna sa delivery ng basic at health services, security at mga rumeresponde sa panahon ng kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *