Local News

Trabaho sa munisipyo sa bayan ng Sto. Niño, South Cotabato, 7 araw na suspendido

KORONADAL CITY — SUSPINDIDO simula ngayong araw, Hunyo 14 ang lahat na trabaho at transaksiyon sa munisipyo ng Sto. Niño, South Cotabato upang bigyan daan ang decontamination at disinfection upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease o Covid-19 sa nabanggit na pasilidad.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Sto. Niño Mayor Sulpicio Villalobos, tatagal ng pitong araw ang suspension at naka-work from home ang mga empleyadong apektado.

Nananatili naman umanong bukas ang kanilang Municipal Health Office, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC at Municipal Civil Registrar.

Ayon sa alkalde na nag-desisyon silang i-lockdown ang munisipyo matapos umabot na sa 26 ang bilang ng mga empleyadong nag-positibo sa Covid-19.

Kaugnay nito, umapela naman si Villalobos sa publiko ng pag-unawa sa ipinatupad na suspension ipinasigurong babalik sa normal ang trabaho sa munisipyo sa darating na Lunes, Hunyo 21

BNFM Koronadal

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 hour ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 hour ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 hour ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 hour ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

2 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

2 hours ago