Tradisyunal na Diocesan Way of the Cross na dating ginagawa bago ang pandemya ibabalik na ngayong Ash Wednesday pagkalipas ng tatlong taon

CAMARINES NORTE – Inanunsiyo ng Diyosesis ng Daet na muling ibabalik ang tradisyunal na Diocesan Way of the Cross o via Crucis  pagkalipas ng tatlong taon.

Ngayong darating na Ash Wednesday, Pebrero 14 ay gagawin muli ang way of the cross na dating ginagawa bago tumama ang pandemya.

Noong mga nagdaang taon kasi ay mobile station of the cross ang ginawa bilang pagtalima sa health protocols dahil sa COVID-19.

Batay sa schedule na inilabas ng simbahan, inaasahang darating ang imahe ng Poong Nazareno mula sa Capalonga sa Parroquia De San Juan Bautisa dito sa bayan ng Daet.

Alas ng 2 ng hapon ay nakatakdang pangunahan ni Bishop Rex Andrew Alarcon  ang Concelebrated Mass.

Pagkatapos nito ay gagawin ang way of the cross mula sa Paroqquia de San Juan Bautista patungo sa Holy Trinity Cathedral na dadaan sa mga pangunahing lansangan ng Daet kasama ang imahen ng Poong Nazareno ng Capalonga.

Ang scene sa bawat station of the cross ay tableau sa halip na mga imahen ng Santo.

Magtatapos ang 14 na station sa katedral at dito na rin gagawin ang huling panalangin.

Pagsapit ng alas 7 ng gabi ay ililipat naman ang imahe ng Poon sa Parish of Our Lady of Peñafrancia sa Barangay Gubat at dito na ito magpapalipas ng magdamag bago ibalik sa Shrine of Jesus the Black Nazarene at Parish of St. Lucy sa Capalonga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *