Traffic czar na tututok sa matinding trapiko sa NCR, isinusulong ng MAP

Isinusulong ng grupo ng mga negosyante na magkaroon ng Traffic czar na tututok sa matinding problema sa trapiko sa Metro Manila.

Ayon sa Management Association of the Philippines (MAP) maaaring magtalaga si Pangulong Bongbong Marcos ng isang traffic czar na bibigyan ng kapangyarihan para pakilusin ang iba pang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation’s (DOTr).

Mas makakabuti anila na iisang tao na lamang ang kukumpas sa lahat ng proyekto ng Gobyerno na may kaugnayan sa pagresolba sa problema sa traffic.

Una nang sinabi ng grupo na matagal nang may krisis sa trapiko bago pa man ang pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *