Training kaugnay sa pagresponde ng mga barangay officials sa mga krimen, isinagawa ng PRCLO

Nagsagawa ang Philippine National Police Regional Crime Laboratory Office (PRCLO) ng orientation at pagsasanay sa mga barangay officials ng Tuguegarao City kaugnay sa pagresponde sa mga crime scene.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nagtutungo ang naturang tropa sa mga barangay sa pangunguna ni PLT. Elvis Bacud, Police Strategy Management Unit Officer.

Ayon kay PLT Bacud, ito ay upang tulungan ang mga barangay officials maging ang mga pulis sa barangay na maging maalam sa kanilang responsibilidad bilang paunang mga tagapagtugon sa mga aksidente sa kanilang nasasakupan.

Dagdag pa ni PLT Bacud, ito ay malaking tulong at hakbang umano upang makatulong ang mga barangay officials sa kanilang pagsasagawa ng case investigation sa mga krimen.

Ayon naman kay PLT Tranquilino Mora, Police Community Relations Officers, kinakailangan din na isaisip ng bawat barangay responders ang kaligtasan, seguridad, at kalagayan ng kanilang mga biktima.

Hinimok naman niya ang mga barangay responders na kinakailangan dapat laging bukas ang kanilang hotline numbers kung sakaling may nangyayaring insidente,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *