Training programs sa TESDA, ilalapit sa community level

Ilalapit ng Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) ang kanilang mga training programs sa komunidad sa ilalim ng ‘TESDA sa Barangay.’

Ayon kay TESDA Secretary Suharto Mangudadatu, layon ng inisyatibo na palawigin ang abot ng ahensya sa mga barangay.

Plano rin ng ahensya na gawing mainstream ang technical vocational courses sa community level upang makinabang ang mas maraming Pilipino.

Umaasa ang opisyal na sa pamamagitan ng kanilang training programs ay palalakasin nito ang lokal na ekonomiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *