Training sa drone operation, isasama na sa mga programa ng TESDA 12

KORONADAL CITY- PLANO ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Region 12 na ilakip sa kanilang programa ang drone technology skills training.

Kamakailan lamang, nakipagpulong na si TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II sa mga propesor at eksperto sa University of Southern Mindanao o USM Kabacan kaugnay sa modernong pagsasaka na gumagamit ng drone.

Ito ay bilang paghahanda sa posibleng pagpapatupad ng Agriculture Drone Operation Level II sa naturang paaralan katuwang ang Department of Agriculture o DA 12 at Agricultural Training Institute o ATI.

Ang drone ay maaaring gamitin sa land survey, seeding, fertilization at geographic information system ukon GIS.

Napag-alaman na isinusulong ngayon ang paggamit ng drone sa agrikultura upang mapabilis ang paraaan ng pagsasaka sa bansa.

Pinasiguro naman ni Abrogar na popondohan ng TESDA 12 ang naturang training sa USM-Kabacan na isa sa mga may advance technology sa rehiyon sa larangan ng agriculture at research.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *