Transgender athletes ipinagbawal nang makipag kumpetensiya sa mga pambabaeng track and field event

Ipinagbawal nang makipag kumpetensiya sa mga pambabaeng tranck and field event ang mga transgender athletes base sa desisyon ng World Athletics Council.

Ayon kay World Athletics president Sebastian Coe, walang walang transgender athlete na dumaan sa male puberty ang papayagang lumahok sa female world ranking competitions mula March 31.

Aniya, komunsulta ang World Athletics sa mga stakeholders, kabilang ang 40 national federations, International Olympic Committee at mga trans group tungkol sa isyu ng mga transgender athlete.

Majority umano ang pumabor na ang mga transgender na atleta ay hindi dapat nakikipagkumpitensya sa female category.

Ang desisyon ng World Athletics ay kasunod ng desisyon ng FINA, ang world governing body ng swimming, na nagpahinto sa mga transgender swimmers na dumaan sa male puberty mula sa pakikipagkumpitensya sa women’s elite races.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *