Transgender woman sa Pasig, patay matapos suntukin ng 2 kainuman

Nasawi ang isang transgender woman matapos sakalin at bugbugin ng dalawang kainuman sa Pasig.

Ayon sa PNP-Pasig, ang pang-aasar ng biktima sa isang suspek ay nauwi sa karahasan.

Sinabihan kasi ng trans ang isa sa mga suspek na siya ay pangit at doon na pinagsasakal at ginulpi.

Na-confine ang biktima sa ospital ng tatlong araw pero namatay dahil sa brain hemorrhag o pagdurugo sa ulo.

Natunton ang dalawang suspek sa tulong ng isang testigo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *