Transport group, itutuloy ang strike sakaling di tugunan ng govt ang hiling na fare hike

Nagbabala ang transport group na magsasagawa sila ng strike sakaling hindi tumugon ang gobyerno sa kanilang panawagan na itaas ang minimum fare sa mga jeepneys, sa harap na patuloy na pagtaas sa presyo ng lana.

Ayon kay Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) President Orlando Marquez, naantala lang ang kanilang strike, dahil sa pending na scheduled meeting sa mga opisyal ng gobyerno sa March 1.

Nabatid na hinihiling ng LTOP sa panahalaan na itaas ang minimum jeepney fare ng P3, na mula sa P9 sa P12.

Samantala, suportado naman ng iba pang transport group gaya ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap) at ang Stop and Go coalition ang transport strike.

Hindi naman masabi ng naturang mga grupo kung hanggang kailan ang itatagal ng kanilang planong transport strike. //MPT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *