Transport group, wala pang planong taasan ang pamasahe sa Bicol – Condor Piston Bicol

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Condor Piston Bicol na wala pang plano ang transport group na taasan ang pamasahe sa buong rehiyon ng Bicol dahil kakataas lamang nito ng P2 nitong nakaraang buwan.

Ayon kay Joel Pillogo, tagapagsalita ng Condor Piston Bicol at head ng Camarines Sur, hindi nila kagustuhang taasan din ang pamasahe dahil tumataas rin ang gasolina sa bansa.

Aniya, kung dadagdagan pa nila ang singil sa pamasahe sa mga mamamayan ay mas lalong mahihirapan ang mga manggagawa sa kanilang kininikita araw araw.

Dagdag pa nito, ang pagsasagawa ng kilos protesta ay buwan na pinaghahandaan at kino-consonsolidate ng nasabing grupo kung magkakaroon ng kilos protesta upang mapagtagumpayan ang kanilang mga pinaplano.

Sa ngayon ay nagkakaroon na ng kilos-protesta laban sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng gasolina sa bansa na nagpapahirap sa kanilang mga hanapbuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *