Transport Sector sa Naga City tutulong sa trapiko sa pagsalubong sa bagong Arsobispo ng Caceres

NAGA CITY – Pinulong ngayon ng Public Safety Office ang presidente at opisyales ng mga TODA o Trimobile Operators Drivers Association ng Naga City bilang paghahanda sa gagawing pagsalubong sa bagong Arsobispo ng Caceres, bukas Mayo Uno.

Sila ay magiging bahagi ng pagmanteni sa daloy ng trapiko sa mga lugar na pagdadaanan ng Welcome Motorcade para kay Arsobispo Rex Andrew C. Alarcon, mula alas 10:00 ng umaga sa Mabolo Road, Biak-na Bato Street sa Barangay Tabuco, General Luna, Barangay Peñafrancia hanggang sa Basilica Ground sa Balatas.

Sa panayam ng Brigada News Fm Naga kay Barangay Kagawad Gil Belen ng FETODA o ng Federation of Trimobile Operators Drivers Association sa lungsod, sinabi niyang dalawang araw silang nasa kalsada, May 1 at May 2 na magta-trapiko katulong sila ng mga barangay opisyal, tanod, PSO personnel at ng mga miyembro ng Naga City Police Office.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *