Transportation Sec. Bautista, hindi raw magbibitiw sa kanyang pwesto

Hindi raw magbibitiw sa kanyang pwesto si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime  Bautista  sa kabila ng akusasyon ng katiwalian laban sa kanya at panawagan ng pagbibitiw mula sa grupong MANIBELA na pinamumunuan ni Mar Valbuena.

Sa isang panayam, sinabi ni Bautista, na bakit niya raw papatulan si Valbuena  gayung nakapa-iresponsableng transport leader daw nito.

Si Bautista ay naghain ng cyber libel complaint sa Department of Justice kaninang umaga  laban kay Valbuena at mamamahayag na si Ira Panganiban.

Ipinaliwanag ni Bautista na kasama si Panganiban sa cyber libel complaint dahil sa mga alegasyon na ginawa niya laban sa kanya at pag post nito sa kanyang facebook account.

Sa kabila nito, tiniyak ni Bautista na kasalukuyang iniimbestigahan ng DOTr ang umano’y katiwalian sa LTFRB.

Humingi na rin aniya ng tulong ang ahensiya sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *