Traslacion 2024, isang malaking tagumpay – Manila Mayor

Ibinahagi ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na naging isang malaking tagumpay ang pagdaos ng kulang-kulang 15 oras na Traslacion ngayong taon.

Pinasalamatan ni Pangan ang lahat ng tumulong na maging matagumpay ang aktibidad.

Kabilang na rito ang iba’t ibang mga ahensya mapa-national man o local, pamunuan ng Quiapo church at maging ang mga deboto.

Samantala, ikinalungkot naman ni Pangan na karamihan sa nasugatan ay nagpupumilit na umakyat sa andas kung saan ito’y mahigpit na ipinagbabawal.

Umaasa siyang sa susunod na Traslacion ay makikinig na ang mga deboto sa paaalala ng pamahalaang lungsod para sa kanilang kaligtasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *