Travel pass, no need sa travelers na para sa leisure purposes

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi na kailangan na kumuha ang mga travelers ng travel pass o travel authority para pumunta sa iba’t-ibang lugar para sa leisure purposes.

Ito’y matapos na payagan na ng COVID-19 task force ang leisure travel mula sa NCR Plus o Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna papunta sa modified general community quarantine areas.

Sa halip, sinabi ni DILG spokesperson Jonathan Malaya na kailangan icheck ng mga travelers ang kanilang travel requirements o guidelines ng local government unit (LGU) na kanilang pupuntahan.

Una nito, kailangan muna ng mga indibidwal na kumuha ng travel authority mula sa PNP para makatawid sa provincial at regional borders kung sila ay hindi kabilang sa authorized persons outside of residence o APOR. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *